Wew! hetoe ne nem3yn pfow kuowz..haha..jejemon?
Ou medyo may pag ka jejemon ako minsan sa pagtatayp lang ng text kasi nasanay ako mag chat sa cellphone..
Waaaat? Sa cellphone?
Ou tama nabasa mo sa cellphone..lam nyu di naman ako mahilig magtext..more on chatting at surfing using Wireless Application Protocol lang naman ang hobby ko (nung wala pa akong laptop).. ayun sabi nila madame RAW akong alam? nope! di naman siguro.. Maxadu kaung exag..hehe
ayun..so hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko..ayayay! napahaba ko pa..weew!
so ako nga pala si Nadz (Nadzkie Ville ang full name ko sa efbi at twiter pero yan ang screen name ko eh)..galing yun sa pinaikling word na Ronald [yan kase ang gusto kong pangalan pero no choice eh..] taz aun tinawag nila akong Onadz..as in malaking Letter "O"..taz nag evolve..naging..Nadzkie..mahilig ako sa nature kaya yun imbes na sky eh naging skie pero napalitan ng "Z" yung "S" para astig diba? hehe
That time na naisip ko ang screen name na Nadzkie, dun nauso ang larong farm ville (karamihan naman siguro pamilyar dito) eh ang middle name q ay Villanueva...so ginamit ko ang Ville para mas maili at simple.. nga pala.. naalala ko ang name ko sa fb that time is Ronnie Villanueva..at kinalaunan naging Nadzkie Ville.. wew! haba ba ng history ng pinagmulan ng NadzkieVille? Boring noh? ahaha...
Sino si Nadzkie Ville?
Sino nga ba si ako? Sa totoo lang..mabait ako at mapagkumbaba.. pero may iba pa akong side na hindi alam ng ibang taong di pa ako lubusang kilala bilang ako.. May side na sobrang kulit [oo makulit talaga ako] taz sobrang O.C (Obsessive Compulsive, tama ba ang spelling? Nakakabobo kasi talaga ang MSG!!!) yung tipong may makita lang akong madumi sa pagkain..di ko na kakainin o kaya pag ininuman na ng kahit sino [kahit kakilala ko pa yan] ang baon kong tubig, di ko na talaga iinumin..kahit tira-tira hindi ako basta kumakain.. Mahirap talaga maging O.C.. haizt! ayun..palage tuloy akong napapagalitan..
Sa ibang dako naman, di ako sanay makipag kaibigan sa totoong buhay..ika nga 'loner' daw ako.. tipong gugustuhin mo pang mag isa sa isang sulok kaysa magsayang ng oras ng pakikipagkwentuhan, di ako sanay na may kausap ako lalo na pag di ko naman masyadong close..dumadating sa point na ang lagi ko lang kausap ay ang laptop o cp ko lang ang kausap ko..as in kaya kong wala akong kausap ng isang araw basta kasama ko ang mga 'best buddy' ko, di na rin kasi kami nagkakausap ng mga kaibigan ko simula ng nag 3rd year high school ako..iba ang naging priority ko nun..hindi ko lang naenjoy masyado ang high school life ko dahil pakiramdam ko maliit ako sa kanila.. dati kasi.. palagi akong nasa section 1..syempre nandyan na yung mga mayayabang.. nambubuly..kamusta naman yun..hehe..taz kakausapin ka kapag kailangan ka...tawag ko dun.."User Friendly".. kaya medyo bumaba ang confidence ko sa sarili ko.. Siguro tumaas lang ang confidence ko nung sumali ako sa Teatro sa school namen..but still same environment kaya ganun pa rin.. Pinaka hindi ko makakalimutan na experience ay nung nag 4th year ako.. dun naiba ang buhay ko..marami akong naging 'TOTOONG KAIBIGAN' simulang nalipat ako sa lower section...dun ko naranasan yung pakiramdam na mamaliitin kayo ng mga guro. Pero hindi naging sagabal saken yun,.. naging lakas ko siguro ay si God at tsaka yung mga classmates ko.. Talagang enjoy ako dahil mga totoo sila at madaling pakisamahan..totoo pala na mas mabuti pang maging kaibigan ang mga minamaliit dahil doon mu makikita ang tunay na katauhan nila..
Isa pa sa hindi alam ng nakakarami..suplado ako masyado.. sa likod ng maamo kong itsura at inosenteng kaanyuan [hehe..ganun ba? inosente nga ba?] nakatago yung ugaling hindi mo nanaising makita mo saken.. ika nga nila..kung gaano ka kabuting kaibigan eh ganun ka rin kasamang kaaway..ganun ako..pero higit pa dun.. hehe.. mabait daw kasi ako masyado.. kaya bigay hilig naman ako.. may pagkakataong ako naman ang nawawalan..diba unfair? hehe..pero pasalamat kayo hindi ko kayang sumigaw at magwala.. tahimik tlga ako..kaya kong itago sa sarili ko ang mga problema dahil wala naman akong mapagsabihan ng problema, walang uunawa sa sitwasyon ko [ang drama mo Nadzkie, ano nakain mo? haha] .. kaya minsan tlga madalas akong mabad trip kahit kanino.. kahit sino minsan nasisigawan ko lalo pa't badtrip ako ng time na yun..siguro masasabi kong 'defense mechanism' ko yun.. dahil dun ko nakikita ang kalakasan ko dahil sa totoo lang..mahina ako..wala akong sapat na lakas..magalit ang pinaka lakas ko sa buhay.. naawa na nga ako sa sarili ko eh.. palagi na lang akong talo palagi..di ko maintindihan sa dinami rami pa ng taong malas.. ako pa ang pinaka worst...haizt! di ko na rin uulitin pa ang mga nangyaring di maganda nuon..kinalimutan ko n ang mga masasaklap na nakaraan..at sinusubukan ko magbago ngunit sadyang may ibang tao na nagpapabalik ng tunay na ako..thanks sa fs (BSIT wang wang profile),fb,twitter at pati dito sa blogger dahil kahit papaano ito ang naging sandalan ko at nailalabas ko ang sama ng loob ko sa ibang tao..at siyempre sa lahat ng taong patuloy na naniniwala sa akin.. sa mga nakakaintindi at sa mga hirap makaintindi.. kung mwala man ako at least maiwan ko ito sa inyo..dahil di naten alam kung kailan tayo mwwla dito sa mundong ito.. Yun lamang po..namiss ko lang ang pag ba-blog dahil blogger din ako dati sa fs.. Sa mga nakababasa nito...thanks sa time..at sa mga taong natamaan ko..pasensya na yan ang katotohanan..hahaha.. mahaba pa sana ang ikukwento ko pero hindi sapat ang oras ko eh..hehe..hnggng sa muli..Goodnight!
Follow nadzkie on twitter:
www.twitter.com/nadzkie27
and on facebook:
www.facebook.com/nadzkie.ville